Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Pilipino

I was invited to give the opening remarks for our school’s celebration of Buwan ng Wika in the Primary and Intermediate levels.

Buwan ng Wika is yearly celebrated in the Philippines to commemorate the importance of having 1 language that binds the people of a nation. This year 2012′s theme is “Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Pilipino” or translated as “Stability of the Filipino Language Brings Forth One’s Nationalism”.

-

Aming minamahal na mga magulang, mag-aaral, panauhin at butihing mga guro, ikinagagalak kong batiin kayong lahat ng isang napakagandang araw ng Biyernes.

Ang buwan ng Agosto ay madalas naka-akibat sa buwan na puno ng araw ng pagpapahinga at mga pagdiriwang, nariyan ang Araw ng Kabayanihan ni Ninoy Aquino, ang Araw ng mga Bayani, Kadayawan Festival sa Davao, Eid-ul-Fitr sa taon natin ngayon, at ang kamakailan lamang na mga araw na walang pasok dahil sa malalakas na ulan. Ngunit ang pinaka-kilala sa mga pagdiriwang tuwing buwan ng Agosoto ay ang Buwan ng Wika. Ang ating pagdiriwang sa kahalagahan ng ating wika.

Alam nyo bang ipinagdiriwang natin ang buwan ng wika tuwing Agosto dahil ang buwan na ito ay ang buwan ng kapanganakan ng ating dating pangulong Manuel Quezon? Siya ay tinuturing na Ama ng Wikang Pambansa. Pero bakit kaya? Dahil si Manuel Quezon ang nagsimulang magtatag ng iisang wikang pambansa, nilayon niyang magkaroon ang Pilipinas ng isang wikang magbubuklod sa mga Pilipino, at iyon nga ang ating wikang pambansa, ang Filipino.

And ating tema para sa taong ito ay “Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Pilipino”. Bakit kaya importanteng ipagdiwang natin ang ating wika?

Maaring nanggaling man tayo sa ibat-ibang lugar, iisa lamang ang ating wika dahil tayo ay mga Pilipino. Palakpakan ninyo ang inyong mga sarili kung ipinagmamalaki ninyong kayo ay Pilipino.

May pagkakapareho-pareho man tayo sa ating mga kulay, anyo, at itsura tulad ng mga tao sa ibang bansa, nagkakaiba-iba naman tayo sa wikang ating ginagamit, at dapat nating pahalagahan at ingatan ang ating sariling wika. Huwag sana tayong matulad sa ibang mga bansang nawalan ng sariling wika dahil sa kolonyalismo, ang masyadong pagpapahalaga sa mga bagay na galing sa ibang bansa kesa sa sariling gawa.

Ang ating wika ay isa sa pinakaimportanteng katibayan na nagpapatunay na isa kang Pilipino. Hindi mo masasabing ikaw ay isang Pilipino kung hindi mo pinapahalagahan ang sarili mong wika. Ika nga ni Gat Jose Rizal:  “Ang di marunong magmahal sa sariling wika, ay mas masahol pa sa malansang isda.”

Ang wikang Filipino ay sariling atin, at atin lamang, walang sino mang maka-aalis o makakukuha sa atin nito. Parang buhay na tanging ang Diyos lamang ang may karapatang kumuha at magbigay. Bakit ko nasabing sa atin lamang ang wikang Filipino?

Nasubukan niyo na bang makipagusap sa isang dayuhan? Naranasan niyo na bang magkipag-usap sa kaibigan niyo sa wikang Filipino sa harap ng isang dayuhan? Naintindihan kaya niya ang mga pinagusapan nyo? Sa ganitong mga pangyayari natin lubos na makikita ang kapangyarihan at kalakasan ng isang wika, dahil sariling atin ito, at tayo lamang ang nakakaintindi nito, tayong mga Pilipino, hindi mga dayuhan o dayuhan, ganyan kalakas ang sariling wika.

Pansinin ninyo na lamang ang nangyari noong natalo ng grupo ni Lapu-Lapu ang mga espanyol sa pamumuno ni Magellan. Hindi nila magagawang manalo kung hindi sila pinagbuklod at pinagkaisa ng iisang wika. Sa wikang Filipino, tayo ay nagkakaintindihan at nagkakaisa, at dahil dito natutupad ang ating mga layunin.

Ang wikang Filipino ay isang pambansang pagkakakilanlan sa ating mga Pilipino. Hindi ka isang tunay na Pilipino kung hindi ka marunong magsalita ng ating wikang pambansa. Sa wikang ito lubos nating naipapahayag ang ating damdamin, hinaing at iba pa. Sa sobrang yaman ng ating wika, marami tayong mga salita na may ibat-ibang ibigsabihin ngunit kung isasalin natin sa wikang dayuhan ay iisa o dalawang salita lamang ang katumbas.

Ngunit nakakalungkot isipin sa panahon natin ngayon ay tila mas pinapahalagahan pa ang wikang dayuhan kaysa sa sariling wika, ang taas ng tingin nila sa mga taong nakakapagsalita ng magaling na ingles, sa tingin nila ay napakatalino ng taong iyon, ngunit kabaliktaran naman ang tingin sa kapwang baluktot magsalita ng ingles, tingin nila dito ay mahina ang pagiisip. Dapat nating alisin ang ganoong kaisipan, dahil ang katalinuhan ay naipapakita sa galing ng iyong mga pahayag, punto at ibigsabihin kaysa sa wikang iyong ginagamit. Sa ating mga Pilipino, mas maipapakita natin ang ating katalinuhan sa paggamit ng wikang sa ating kamusmusan pa lamang ay dalubhasa na tayong gamitin, at ito ay ang wikang Filipino.

Huwag nating kalilimutang pahalagahan at mahalin ang ating sariling wika, ito ay ating obligasyon bilang mga Pilipino, at makatutulong rin ito sa ating buhay at pakikipagtalastasan.

Ako’y namamangha at natutuwa sa aking mga kamag-anak na matagal nang naninirahan sa ibang bansa, hindi pa man ako ipinapanganak ay doon na sila nakatira, ngunit tuwing bumibisita sila sa pilipinas ay hindi mo mapapansin ang kolonyalismo sa kanilang mga pagkilos at pananalita, pilipinong Pilipino parin sila. Isang magandang ehemplo ng pagiging makabansa.

Lagi nating tatandaan ang kahalagahan ng ating wikang pambansa, huwag nating ikahihiya at babaliwalain ito.

Aming mga panauhin, mga magulang, at mga estudyante, butihing mga guro, Nawa’y masiyahan tayong lahat sa ating pagdiriwang ng buwan ng wika. Salamat sa inyong pakikinig. Magandang umaga po.

 

*’Corinthian Institute of Cavite’ is the school i work for. You can learn more about them at http://www.corinthianinstituteofcavite.wordpress.com or http://www.facebook.com/corinthianinstituteofcavite.

2 responses to “Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Pilipino

  1. Pingback: Buwan ng Wika celebrated | The URSAC Forum

  2. Pingback: “Harana” :Isang Refleksyon sa Pagkatuto sa EDUC 103 Module 1-3 (Week 1-3) « Elmer Ursolino

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s