insomnia

i wrote this on Sep. 19, 2009 around 12:30-1:30 am..because obviously i couldnt sleep. so here goes…

nakakainis yung pakiramadam na hindi ka makatulog kahit ilang oras ka nang nakahiga at pinipilit ang sariling makatulog na. nagpapapalit-palit ng pwesto at position. pinagod ang sarili. nakinig ng musika. nagbasa. lahat na ata nagawa mo na ngunit wala paring epekto. hindi ka parin makatulog. tuwing babangon ka naman ay eto na, nararamdaman mo na si antok sa wakas. ngunit paghiga mo naman, ayun, wala na agad. at gising na gising ka nanaman. mabuti sana kung marami kang pwedeng gawin. ngunit wala. wala. wala. dahil dapat ka ng matulog. pero eto nga’t nasasayang lamang  ang oras mo dahil wala kang magawa at hindi ka rin makatulog. inaantok na ang iyong utak kaya wala nang masyadong maisip ngunit ang makulit mo namang katawan ay gising na gising pa at ayaw pang matulog. ang hirap ng ganitong hindi ka makatulog. nakakainis. pero may magagawa ka pa ba? oo. uminom ng gamot pampatulog. pano kung wala ka nung gamot? eh di bumalik sa simula at ulitin ang mga bagay na magbibigay sayo ng antok. manood. magbasa. pumikit. magpapalit-palit ng pwesto. pagurin ang sarili o makipagusap. ngunit paano na lamang kung ang mga bagay/gawain na ito ay hindi na umeepekto? isa na lamang ang talagang solusyon. wag matulog at hintayin na lamang ang umaga. at kapag sinuwerte ay makakatulog ka narin sa wakas. kung hindi naman eh hintayin ang umaaga at sa umaga nalang matulog.

may tawag sa ganitong pangyayari o sitwasyon. karamihan ay sinasabing “insomnia” itong nararamdaman. ngunit saan at paano nga ba nakukuha itong nakakainis na pangyayaring ito? hindi ako dalubhasa sa ganitong mga bagay at lalung walang kinalaman ang akong propesyon sa medisina. kaya’t mas mapapabuti pang hanapin na lamang ang dahilan ng “insomnia” sa ating magaling na kaibigang nagngangalang “internet”. bago ang lahat. ano nga ba ang insomnia? sa aking pagkakaalam, ito ay isang sakit o sitwasyon na kung saan hindi makatulog ang isang tao kahit ano pa mang gawin nito. sa madaling salita ang “insomnia” ay isang kundisyon kung saan nahihirapan ang isang tao na makatulog. sa aking palagay at base narin sa mga pag-aaral, walang naidudulot na maganda sa kalusugan at binabago rin nito ang sariling orasan(body clock) ng ating katawan. maliban dito, nawawalan din tayo ng enerhiya at lakas ng katawan para sa kinabukasan sa kadahilanang hindi nakapagpahinga ang ating katawan.

sa iilang mga bagay lamang nakakatulong ang insomnia sa aking palagay, at isa na rito ay kapag may mga pagsusulit kinabukasan. makakatulong ang pagkakaroon ng insomnia upang makapagaral pa ng mabuti dahil hindi naman makatulog. nakakatulong din ang insomnia sa mga taong pang-gabi ang trabaho katulad na lamang ng security guards at call center agents. isa pang benepisyong ating nakukuha sa insomnia ay ang maraming oras na naibibigay nito. ang mga oras na tinutukoy ko ay ang mga oras na kung saan ay dapat natutulog tayo. gayun pa man, ang pagkakaroon nito ay maaring maging gracia o disgracia depende kung paano natin ito titingnan.

sa aking situwasyon tulad ngayon, nang dahil sa insomnia, ako ay nakapagsulat ng ganitong mga bagay. pero mas makabubuti parin sana kung ako’y mahimbing na natutulog ngayon kaysa nagsusulat at humahanap ng paraan upang antukin at makatulog na sa wakas.

sadyang ganito talaga ang buhay. may mga panahon o araw na wala tayong magawa at hindi tayo makatulog. ang paggawa ng wala at pagtambay sa bahay ay maaaring nagdudulot ng insomnia dahil hindi tayo napapagod at punong puno ang ating mga katawan ng enerhiya upang makagawa pa ng maraming bagay na ginagamit lamang natin sa panonood, paggamit ng internet, pag-upo at pagkain. tipikal na gawain ng isang taong tambay.

sana makahanap ang mga dalubhasa ng isang solusyon sa insomnia na hindi kinakailangang uminom ng gamot o tabletang pampatulog nang sa gayon ay makatulog na ang mga taong dapat sana’y tulog na ngayon tulad na lamang ng nangyayari sa akin.

hiling ko lamang naman ay makatulog na at hindi gumawa o magsulat ng mahabang opinion ukol sa insomnia. susubukan ko na lamang makatulog muli at sana nama’y dalawin na ni antok sa wakas. kung hindi ay maaaring makapagsulat muli ako ng kung ano-ano tungkol sa kung ano-anong mga bagay. salamat sa pagbabasa, siguro ay hindi ka rin makatulog.

9 thoughts on “insomnia

  1. Kawawa nman tau.. Ako sari sari prang mga paninda sa supermarket. Nahihilo, yawning ng yawning hanggang sa may luha na ksama. Antok na antok na pero gising na gising pa kya nalalaman ko na ang oras ng mag nanakaw. 2 am gsing pa ako. Mraming pagod sa mghapon at araw araw na gwain sa bhay, wlang idlip khit sa hapon.. Siguro dala ng pag iisip sa buhay at activities na kailangang mtapos. Nppa iyak kpag pagod na at gusto na mgphinga. Nkkranas pa ako ng prang bine baby ko sarili ko. Tinatapik ko ang shoulder ko at tnatawag name ko na “tulog kna” tulog na”. Ganyan ako mdalas lalo kpag nag iisa.. Khit nag ddasal ako na sana matulog na kc konti nlang oras ay umaga na..

    1. i feel you!😦 nakakainis yung ganito. yung pagtimgin mo sa salamin, yung eye bags mo minumura kana. tapos nakakainggit kasi yung iba ang sarap na ng tulog ikaw naman di makatulog kahit 5 minuto pa yan. kakaibang utak, ayaw magpahinga

  2. Akala ko ako lang ang nagkakaganyan di nakaka tulog,,kahit gusto ko nang matulog ayaw parin,,kahit ilang oras na ako nakahiga at nakapikit ang mata ayaw pa din makatulog,kahit anong posisyon kona sa paghiga ganun parin,,
    Hanggang nag umaga,tanghali, ganun parin di tlaga ako dinalaw ng antok,may tao palang ng kakaganyan no,,😢😑😊

  3. Walang pkisama tong skit NATO dagdagan pa ng maingay na paligid pti nga kluskos ng butiki naririnig q aixt

  4. hay akala ko nagiisa akong may sakit na ganyan.. marami pala tayo..pero sa totoo lang pagumaatake ang insomia ko nakakaramdam ako ng lungkot, yung pakiramdam na parang nagiisa ka lang sa bahay kse lahat sila tulog,, kaya ginagawa ko umiinom ako ng gin at nagpapakalasing para di ko namamalayan na tulog na ako,, kaya lang masama naman na sa alak ako kukuha ng pampatulog..

    1. I think when times like that arise, rather than be with your ‘gin’, I believe it would be best to sit down and write all the happy things/moments that has happened to you so far. In short, writing/making a ‘happiness journal’ where you’d write all the things you’re thankful for or you considered blessings /good luck. It would really help you out in times of boredom and specially make good use of your spare time (sleeping hours that you’re awake). I hope this helps🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s