Wika Tungo sa Daang Matuwid

Isang napakagandang araw sa inyo, aming minamahal na mga magulang, butihing mga guro, at masisipag na mag-aaral.

Tuwing buwan ng Agosto, ating ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika. Isang buwan sa isang taon upang pahalagahan at bigyang importansya ang ating wika, ngunit, ginagawa nga ba natin ito?

Sa taong ito, ang ating tema ay “Wika Natin ang Daang Matuwid”. Ano nga ba ang ibig sabihin nito? Ano sa palagay ninyo ang ibig nitong ipahiwatig at ipaalam sa ating lahat?

Ano nga ba ang wika ng mga Pilipino? Ang wika natin ay? Filipino. Ito ang ating wikang pambansa, ang wika na magdadala satin tungo sa daang matuwid.

Sa ating mga tahanan, ano ang wika na ating ginagamit? Sa ating pakikipagusap sa ating mga kaibigan, kamag-aral at mga kakilala, paano ba natin sila kinakausap? Sino dito ang madalas makipagusap sa wikang ingles sa kanilang mga kamag-aral/kaklase? Sa kanilang mga kaibigan? Sa kanilang mga magulang, tiyo at tiya?

Nasaan ba tayo ngayon? Tayo ay nasa bansang? Pilipinas. At ang ating wika ay? Filipino. Ngunit bakit tayo madalas makipagusap sa ating kapwa sa ibang wika? Sa wikang banyaga. Sa wikang ingles. Bakit hindi natin tinatangkilik ang sariling atin?

Bilang mga Pilipino, dapat nating ipagmalaki ang sariling atin, ang sarili nating wika, dahil ito ang magdudulot sa atin upang makamit ang kaunlaran hindi lamang ng ating mga sarili ngunit para narin sa ating bansa.

Oo nga’t ang wikang ingles ang tinatawag nating pangkalahatang wika, o wika ng buong mundo, ngunit hindi ito dahilan upang tangkilikin natin ito. Tulad nga ng sinabi ng ating pambansang bayani “ang hindi magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at malansang isda.” ngunit paano nga ba natin ito maipagmamalaki? Simple lang, ang ating paggamit nito sa pangaraw-araw nating gawain at pakikipagtalakayan.

Madalas nating gamitin ang wika bilang basehan sa galing ng isang tao. Aminin natin na mas humahanga tayo sa taong tuwirang magsalita ng ingles kaysa sa balu-baluktot na pananalita o simpleng tagalong.

Mga magulang, alam nating lahat kung gaano kahalaga ang tagumpay ng ating mga anak, kaya’t sa murang edad pa lamang ay kinakausap na natin sila gamit ang wikang ingles, dahil sa tingin natin sila ay mas magiging magaling kaysa iba kung sila ay tuwirang makakapagsalita sa wikang ingles.

Ngunit taliwas sa ating paniniwala ang ating ginagawa, dahil lalo lamang nating pinahihirapan ang ating mga anak, tayo na mismo ang nagdadala sa kanila tungo sa bulktot na daan, sa paniniwalang sila’y magtatagumpay. Ngunit ang katotohanan ay lalong nababaluktot ang kanilang pananalita. Sa kanilang musmos na kaisipan, hindi nila lubos maintindihan ang pagkakaiba sa wikang Filipino at ingles, kaya’t madalas nila itong napagsasama o napaghahalo ng hindi sinasadya, ang lumalabas na wika ay ang madalas nating tawagin ngayon na “taglish”. Isa bang wika ang taglish? Hindi. Meron lamang, tagalog o Filipino, at English. Wala nang iba pa. Ngunit hindi iyon alam ng mga bata. Ano ang ating magagawa upang maituwid and baluktot na nasimulan? Simple lamang, tayo na mismo ang humubog sa kanilang wika.

Bakit ba tayo gumagamit ng wikang hindi naman talaga sa atin, hindi ba tayo nagkakaintindihan sa pakikipagusap sa wikang Filipino? Unahin natin ang ating wika, dahil ang Filipino ay wika ng mga bayani, ipinaglaban at ipinagmamalaki.

Saan man sa mundo, ang wikang Filipino ay kilala hindi dahil sa ito ang wika ng buong mundo, kundi dahil sa mga Pilipinong naninirahan at nagtratrabaho sa ibang bansa. Magkahiwalay man tayo ngunit tayo ay nagkakaisa, dahil sa ating wika, sa wikang Filipino, na nagpapamalas ng tinig ng ating kultura, kasaysayan at pagkatao. Sa ating pagkakaisa, makakamit ang tuwid na daan tungo sa ating pangkalahatang kaunlaran.

Salamat sa pakikinig at muli magandang araw sa inyong lahat.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s