Filipino: Wika ng Pagkakaisa 2014

Isang napakagandang araw sa inyong lahat! Sa ating butihing mga magulang na patuloy na sumusuporta sa ating mga masisipag na mag-aaral, maraming salamat sa inyong pagdalo.

Ngayong araw ay ipinagdiriwang natin ang kahalagahan ng ating Wika. Ngunit, ano nga ba ang wika? Bakit natin ito dapat pahalagahan?

Bago pa man tayo nagkaroon ng wikang Filipino, ay mayroon na tayong sari-sariling mga dialekto na ginagamit. Dahil ang Pilipinas ay isang kapuluan, maraming kultura, kaisipan, at kaugalian ang matatagpuan sa iba’t ibang panig nito, kasama na sa mga pagkakaiba ang wika kung saan mayroon tayong walong pangunahing mga dialekto: Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Ilocano, Kapampangan, Pangasinan, Tagalog at Waray. Ngunit ang dialekto sa Pilipinas ay hindi lamang walo kundi umaabot ng hanggang isang daan at pitungput lima.

Upang magkaintindihan ang mga Pilipino sa kanilang sariling bansa, napagdesisyonan ni pangulong Manuel Quezon na gumawa ng isang pangunahing wika na magbubuklod sa iba’t ibang dialekto na aking nabanggit. At ito na nga ang wikang Filipino. Nilalayon nitong mapagkaisa ang mga mamamayang Pilipino, dahil sa pagkakaisa makakamit ang pagunlad.

Isipin nyo na lamang kung wala tayong iisang wika, at napasyal kayo sa ibang rehiyon dito sa pilipinas, paano na lamang kayo makikipagugnayan o makikipagusap sa mga tao roon kung hindi kayo magkakaintindihan dahil sa pagkakaiba ng inyong  salita o wika. Lumalabas na ikaw ay isang dayuhan sa sarili mong bansa, isang hindi magandang pangitain.

Sino na lamang sa inyo ang hindi katutubo ng Cavite? Mga Pilipinong ipinanganak sa ibang lugar na lumipat lamang dito sa Dasmarinas. Ako ay hindi Kabitenyo. Bicolano po ako. Lumipat kami dito noong akong nasa ika-apat na baitang pa lamang, at hindi ko makakalimutan ang ilang pangyayari sa aking buhay na puno ng di pagkakaintindihan.

Kakasimula pa lamang noon ng pasukan, nakaupo ako sa sulok ng aming silid aralan, hindi kumportable umupo sa sulok lalu na kung dulo ito at nakasandal pa sa pader. Sinabi ko sa aking mga katabi “dasig”. Ngunit parang wala man lamang silang narinig. Inulit ko uli ang aking pakiusap “dasig naman kayo dyan. Dumasig naman kayo, masikip”. Nagkibit balikat lamang sila. Naisip ko tuloy na hindi marunong makitungo ng maayos ang mga tao sa Cavite. Hanggang sa inulit ko uli ang aking pakiusap na may bahid ng inis “urong.” At doon lamang nila parang narinig ang aking hinaing, sabay-sabay silang nagsisabi ng  “ahhhhh” at saka umurong.

Isang beses habang umiinom ng softdrinks ang aking kaklase, “painom daw?” “sino may sabi?” “ako.”

Noong bata pa ako, hanggang ngayon, mahilig na talaga ako uminom ng tubig, makapagpapatunay rito ang aking mga dating guro dito sa CIC, si Gng. Rueda na mismo ang magsasabi sa inyo na mahilig akong magpaalam na lumabas sa klase para lamang uminom ng tubig. At dahil hindi ka naman pwedeng labas ng labas habang nagkaklase, nakikiinom na lamang ako sa aking mga butihing kamag-aral. Si Kristine, aking kaibigan mula sa Abra ay laging may baon na tubig, ang Abra ay nasa rehiyon ng CAR, sa aking kagustuhang matuto ng ibang dialekto, tinanong ko sya kung ano ang tubig sa Abra, at paano ko sasabihin “painom ng tubig”, mula noon tuwing makikiinom ako sa kanya lagi kong sinasabi “uminom ma kay ka danum” hindi ko alam kung tama pa rin ang aking pagkakabigkas o kung tama ba talaga ang kanyang itinuro sa akin, tama nga po ba?

Paano kung kailangan mo munang matuto ng sariling wika o dialekto ng ibang lugar bago mo ito pwedeng puntahan. Para kang pumunta sa Ocean Park at nakipagusap sa mga dolphins, oo, magkakaintindihan nga talaga kayo noon.

Mahalaga ang wika, hindi lamang upang tayo’y magkaintindihan. Pinagbubuklod tayo ng iisang wika. Sa pagkakaintindihan, matutulungan natin ang isat-isa, sa pagtutulungan makakamit natin ang pagunlad. Ang pagunlad ay makakamit sa tulong ng wika. Salamat sa Filipino, ang ating wikang pambansa!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s