Tagalog 2013

‘napapagod din ako

at napapagod na ako

ayoko na

iiwan na kita

pwede ba ‘yun?

tutal hindi pa naman matagal

wag kang mag-aalala

makakahanap ka pa naman ng iba

marami pa dyan

marami paring’ taon

para magbago at mag-ipon

makakanap ka agad

ikaw pa

eh mabenta ka

‘di ba?

ganun lang kadali iyon

wag nang malungkot

wag ka narin mag-isip

gawin mo nalang

para walang pagod

tapos na ang lahat

wag nang balikan pa

ikaw rin

ikaw rin ang mapapagod

lahat naman tayo napapagod

hindi ka dapat mabahala

ganun talaga

tanggapin mo nalang

wag nang malungkot

wag nang magpagod

marami pang pagkakataon

marami pang dadaan na panahon

ngayon lang yan

ngayon lang ang sakit

ngayon lang ang pait

pagkatapos nito

may ligayang makakamit

ngumiti ka na

magsaya na

tigilan na ang pagmumukmok

tama na ang paglugmok

tumayo ka na jan

umalis na tayo

mukha kang tanga

pinagtitinginan ka na nila

halika na

alis na tayo

‘kaw rin

iiwan kita

bahala ka

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Up ↑

%d bloggers like this: